Bakit kayo ganyan? hindi ninyo naman alam ang totoo akala nyo na kung sino kayo makapagsalita sa akin? wala naman akong ginagawang masama sa inyo ah? bakit? Sasabihin nyo kilala nyo na ko? eh kahit nga sarili nyo hindi nyo kilala eh. di ba?
Sana matuto kayong rumespeto, nag-aaral kayo para malaman kung ano ang dapat sa hindi, kung paano rumespeto ng tama at hindi para manghusga. Hindi nyo na inisip kung ano yung mararamdaman ko.
Kung may alinlangan kayo sa mga bagay sa paligid ninyo, bakit hindi nyo makuhang magtanong? Lahat ng bagay sa mundo may kasagutan. Tandaan ninyo, bago kayo magsalita, sana alamin nyo muna kung makakasakit kayo ng damdamin ng ibang tao.
Huwag nyong sanayin ang sarili ninyo na mauna ang panghuhusga kaysa sa pagkilala. Dahil lahat ng tao dito sa mundo, magkakaiba kaya sana wag nyong itulad sa mga taong nakakasama nyo, mapa-past man yan, present o kahit kelan nyo pa nakasama.
Sana kilalanin nyo muna ako. PLEASE! :'(
"TAO din po AKO, NASASAKTAN. :'("
No comments:
Post a Comment